Pinabulaanan ni Senador Imee Marcos na binisita niya si Vice President Sara Duterte sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).
Sinamahan ni Duterte ang kanyang chief-of-staff na si Atty. Zuleika Lopez sa nasabing ospital.
Nang tanungin kung binisita niya si Lopez, sumagot siya: “Hindi, pumunta lang ako sa Veterans.”
Hindi naman ibinunyag ng senador ang iba pang impormasyon hinggil sa kanyang pagbisita.
Samantala, tumanggi si Marcos na magkomento hinggil sa banta ni Duterte laban sa kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
LIZA SORIANO