BIMISITA si Senador Imee Marcos sa puntod ng kanyang yumaong ama na si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution
Sa isang post sa Facebook, makikitang lumuhod ang mambabatas sa puntod ng kanyang ama at sinabing ang kanyang pamilya ay “hindi nagkulang” sa pag-asa para sa kapayapaan at paggaling.
Sa larawan, sinabi niya na “nasa tabi mo pa rin ako, 37 years after.”
Sinabi ng mambabatas sa kanyang caption na gusto lang ibahagi ng kanyang pamilya ang kanilang side sa kanilang istorya.
“Bagamat ang aking pamilya ay hindi kailanman kinapos sa paghiling ng kapayapaan, paghilom at pag-usad, ang laman ng aking panalangin ay diskusyon para sa pagninilay sa kasaysayan, pagkakataong maibahagi ang kwento ng aming karanasan at paglalahad ng katotohanan, na kung tawagin ay demokrasya,” ayon kay Marcos.
“Kahit gaano man ito kasakit, sa amin o sa aming mga nasaktan, ito lamang ang tunay na makakapagpalaya sa isang bayan,” dagdag pa niya.
“Isang mahigpit na yakap sa mga nagmamahal sa aking pamilya.” LIZA SORIANO