SA ipinatawag na tsikahan with entertainment press ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos regarding her plans for our film industry, ay isa si yours truly sa masipag magtanong during Q & A portion coz may saying that goes, “intelligent people always ask questions.” Yes, wa kiyems, may ganern. Insert smiley, u.
Ang unang hirit na tanong ni yours truly ay…”Ms. Imee, kung isasapelikula ang life story mo, sino sa mga artista natin ang gusto mong gumanap at sino ang gusto mong maging leading man?”
“Naku, ang hirap naman isipin niyan… talaga namang napakahirap isipin (na hindi nawawala ang mga ngiti sa kanyang labi)… huwag muna, hindi pa ako patay, e, haha… Pero teka, sino nga ba sa mga artista ang kamukha ko? Hahaha! Sa leading man, siguro ‘yung tatlo kong anak.”
“Since close si Nora Aunor sa pamilya Marcos noon pa, matutulungan niya ba ang Superstar ng bansang Pinas na mabigyan na ito ng National Artist Award?” hirit na tanong uli ni yours truly.
Medyo nadismaya nga raw siya na hanggang ngayon ay hindi pa rin pala naigawad ang National Artist sa inaasahan niyang dapat na gawaran kung saan nabanggit nga niya ang pangalan nina Mang Dolphy at Nora Aunor.
Pero kung si Gov. Imee ang tatanungin, mas gusto sana niyang ibigay muna kay Ate Guy.
Willing daw siyang i-push ito sa Malacañang na ibigay na muna ang award sa Superstar.
“Siyempre may personal favorite ako dahil ang Himala sa Ilocos ng ECP. Na siya mismo ang naging producer.
“Kaya hindi nila ako tinatanong dahil medyo biased ako diyan,” nakangiti niyang pahayag.
Pero kung kay Mang Dolphy daw muna ibibigay, okay din sa kanya.
K, noted.
Si Imee ang director general ng Experimental Cinema of the Philippines (ECP) na nag-produce ng mga pelikula na makabuluhan tulad ng Himala, Oro, Plata, Mata, Soltero at Misteryo sa Tuwa at ang Pamilya Marcos ang unang nagtatag ng Manila International Film Festival na dinaluhan ng mga sikat na Hollywood stars like Brooke Shields na in pernes ay pinuntahan pa ni yours truly ang hotel room nito na ngayon ay Sofitel Hotel na ang namesung at ininterbyu habang ito ay nagbibihis kasama ang kanyang half-sister and siyempre ‘di nawala ang photo op na hanggang ngayon ay pang-throwback memories pa ni yours truly sa true lang. (Nyyaahhooo! Feeling proud siyempre ang lola n’yo, hahaha!)
Comments are closed.