IMEE MARCOS ILALABAS ANG COOKBOOK NG FAMILY RECIPE

ILALABAS  ni Senador Imee Marcos ang “PinakBest” na cookbook na sinulat niya sa tulong ng notes ni chef Reggie Aspiras.

“This book is maybe a glimpse of my life through food. It shows how matakaw we all were, but at the same time how it brought my extremely public, highly busy family altogether. At the end of the day, food is family. Food is love and food is abundance,” anang senador.

Naglalaman ng mahigit sa 90 mga recipe ang cookbook na may detalyado, hakbang-hakbang na pamamaraan sa paglikha ng ilan sa mga paboritong pagkain ng pamilya Marcos. Kabilang sa mga recipe ang Filipino favorites na okoy, dinendeng, at ginataang kinilaw.

“Favorite ng tatay ko dinendeng,” ani Marcos. “As a matter of fact, when it’s his birthday in September, there is always a dinendeng cook-off, that is becoming more and more weird and bizarre.

“He didn’t like putting bagoong in dinendeng. He loves to put tukmem or small clams. ‘Yun ang pang-alat niya, parang clam juice. Top 1 sa kanya ‘yun. Favorite niya kasi,” dagdag pa niya.

Sinabi naman ni Aspiras na ang “PinakBest” ay tumagal ng mahigit isang dekada sa paggawa.
LIZA SORIANO