IMEE SA ISYU SA QUIBOLOY: SANA MAAYOS NA

IGINIIT ni Senador Imee Marcos na ikinalulungkot niya ang isyu na kinasasangkutan ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy, at sinasabing siya ay isang mabuting tao.

“Lungkot na lungkot ako sa mga pangyayari tungkol sa SMNI at kay Pastor Quiboloy. Mabait siya sa atin at higit sa lahat tumutulong sa napakarami kaya’t malungkot ako na nauwi sa ganito at sana naisaayos na lamang ito nang mas mapayapa at mas tahimik na pamamaraan,” ani Marcos.

Nag-isyu ang Senado ng subpoena laban kay Quiboloy para makadalo siya sa imbestigasyon sa umano’y child abuse at human trafficking.

Nauna rito, hinimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Quiboloy na dumalo sa legislative inquiry.

“I would just advise him that, just, kung mayroon naman siyang sasabihin, if … he has an opportunity in the hearings both in the House (of Representatives) and the Senate to say his side of the story. Kaya po sinasabi niya, hindi totoo lahat ‘yan, hindi totoo, walang nangyayaring ganiyan, ‘di sabihin niya,” ayon sa Pangulo. LIZA SORIANO