IMELDA NAHATULAN SA BATAS NA ‘DI UMIIRAL

imelda

BINALI umano ng Sandiganbayan ang batas nang hatulan nitong guilty si da­ting Unang Ginang Imelda R. Marcos sa pitong counts ng kasong graft dahil sa Swiss bank accounts.

Sa kanyang kolum sa Manila Times, sinabi ni dating Press Secretary Roberto D. Tiglao na na-convict si Mrs. Marcos sa batas na hindi umiiral.

“The Sandiganbayan Fifth Division undertook a breathtaking legal contortion to convict Imelda, at best on a technicality, and at worst, on a non-existent law. Believe it or not, it is a technicality not even contained in the present one, but in the 1973 ‘Marcos’ Constitution,” sabi ni Tiglao.

Binigyang-diin niya na taliwas sa pag-aakala ng maraming Filipino, walang batas na nagsasaad na isang krimen para sa sinumang Filipino, maging sa isang government official, ang magkaroon ng overseas bank accounts o magtayo ng foundations o mga negosyo sa Switzerland o saan mang bahagi ng mundo.

“What our anti-graft laws require for a graft conviction is that there must be proof that money in an overseas account or anywhere in the Philippines was criminally acquired through corruption, or the use of a government position,” aniya.

“Quoting the decision: She is ‘guilty beyond reasonable doubt for violation of RA 3019, Section 3(h) in relation to Article IX, Section 8 of the 1973 Constitution’ for having a stake in seven ‘foundations’ with monies in Switzerland. The term ‘in relation’ reveals the legal contortion the Sandiganbayan exerted to pin Imelda on a very dubious technicality or on a non-existent law,” sabi pa ni Taglao sa kanyang kolum.

Ang nakagugulo pa, aniya, sa isipan ay tila sinasabi ng mga mahistrado ng Sandiganbayan na ‘guilty’ ang dating Unang Ginang sa 1960 law ‘in relation’ sa naturang probisyon sa 1973 Constitution. Gayunman, binigyang-diin niya na ang nasabing probisyon sa 1973 Constitution, na nagbabawal sa isang miyembro ng Gabinete na ‘lumahok sa pamamahala sa anumang negosyo’ ay inalis na sa 1987 Constitution.

“How in the world could Imelda be convicted in 2018 for charges filed in 1991 to 1993, for alleged crimes committed from 1968 to 1970 (when the foundations were organized) based on a provision in the 1973 Constitution, that was deleted in the present 1987 Constitution that is the fundamental law of the land? Note that the 1960 Anti-Graft and Corrupt Practices Act has a 10-year prescription period,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Tiglao, maliwanag na minadali ng anti-graft court ang desisyon subalit naniniwala siyang babaligtarin ito ng Korte Suprema dahil mayroon na itong precedent na ipinalabas noong nakaraang Hunyo, na nagbasura sa kaha­lintulad na kaso laban sa dating Unang Ginang.

Paliwanag pa ni Tiglao sa kanyang kolum, ang desisyon ay ipinalabas ng Sandiganba­yan dahil sa dalawang layunin.

Ang isa ay ang pasamain ang mga Marcos upang mapuwersa ang Presidential Electoral Tribunal (PET) na huwag ideklara si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,  Jr. na siyang tunay na nanalo bilang bise presidente noong 2016 elections. At ang pangalawa ay ang kumbinsihin ang mga tao na huwag iboto sa Senado si Imee Marcos, na sa mga survey ay kabilang sa mga nangunguna sa eleksiyon sa susunod na taon.

Comments are closed.