IMELDA PAPIN PANG-MILENYAL NA ANG ‘ISANG LINGGONG PAG-IBIG’

imelda papin

WELL-ATTENDED ng press ang ginanap na contract signing ni L.A. Santos sa Star Music noong Martes, March 26 dahil sa pag-revive nito sa awiting pinasikat ni Imelda Papin na “Isang Linggong Pag-ibig” na ginanap sa Papa Kim’s Resto, Morato Street, Quezon City.

Dumalo sina Roxy Liquigan at Jonathan Manalo ng Star Music na ayon sa una, first time lang nito narining ang millennial version ni L.A. Santos ay nasabi nito agad na kaila­ngan na itong i-release dahil mayroon itong malaking potensyal na sumikat tulad ng Dahil Sa ‘Yo ni Inigo Pascual.

Sa interbyu sa Sentimental Songstress na si Manay Mel ay nasabi nito na kapag gagawan niya ng revival ang “Isang Linggong Pag-ibig” ay kailangan isa itong male version na aangkop sa panahon ngayon ng milenyal. ”

Si L.A. Santos talaga ang unang pumasok sa isip ko na sobra kong ikinatuwa dahil nalaman kong matagal na pala niya itong gusto. Gusto raw niya itong kinakanta at pangarap pa raw nitong irekord,” lahad nito.

Inamin din nito na maraming lumapit sa kanya noon na gusto i-revive ang kanyang awitin pero hindi raw agad siya pumayag kasi ‘di raw niya nakita ang tamang kakanta hanggang dumating si L.A. Santos. Tiyak daw nito na babagay sa mang-aawit ang kanta dahil mabilisan na ngayon ang ang takbo ng buhay. Well, good luck!

L.A. NABASTUSAN SA KANTA NI MANAY

LA just turned 19  at siguro dahil sa pag-amin nito na sensual siya ay alam na natin kung bakit siya nabastusan sa titulo ng kanta. Paano naman kasi, sa mga barkadahang kalalakihan ay madalas pag-uusuap ang sex life kaya posibleng naisip nito kung ano ang pinaggagawa nito sa isang buong linggo. Ayaw lang daw nitong masabi na naka-relate siya dahil nasa audience ang kanyang ina na nakamasid sa kanya.

“Oo, naka-relate ako pero ‘di ko puwedeng ikuwento dahil nand’yan ang mommy ko, papagalitan ako!” pahayag nito na nag-iwan ng malaking tawanan sa mga naroroon sa loob ng Papa Kim’s Resto sa tabi ng Mesa Resto sa may Morato Street, QC.

Seriously, inamin nito na isang malaking katuparan ng kanyang pangarap na ma-record ng ‘Isang Linggong Pag-ibig dahil bata pa raw siya ay paborito na niya ang kanta.

4 thoughts on “IMELDA PAPIN PANG-MILENYAL NA ANG ‘ISANG LINGGONG PAG-IBIG’”

  1. 435534 537486 You produced some decent points there. I looked on the internet for the problem and found most individuals will go along with together with your web site. 896216

Comments are closed.