(Iminungkahi ng  mga kongresista) BILLS, IBA PANG BAYARIN HINTO MUNA

Mujiv Hataman

IMINUMUNGKAHI ng dalawang ranking officials ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na itigil muna ang paniningil o pagbabayad ng iba’t ibang home bills, kabilang na ang paghuhulog sa residential unit gayundin ang renta sa commercial space sa shopping malls at iba pa ngayong apektado ang pagtatrabaho at negosyo ng marami kaugnay sa patuloy na pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman, maaa­ring gayahin o maipatupad din dito sa bansa ang ginawa ng Italy, na dahil sa ipinatupad na ‘lockdown’ matapos na lumobo ang kanilang kaso ng mga tinamaan ng coronavirus, ay sinususpinde muna ang panini­ngil ng bills at home mortgage sapagkat natigil sa pagtatrabaho ang mga mamamayan nito.

“When work had to stop, hinto din muna nila ang paniningil sa mortgage at mga bills sa bahay habang hindi sila nakakapasok sa trabaho. The bottom line is, let us look for extraordinary measures in these extraordinary times. These measures should come hand-in-hand with the campaign to fight COVID-19,” ang naging pahayag pa ni Hataman.

Hiniling din na mabigyan ng kaukulang hazard pay ang tinaguriang ‘frontliners’ sa kampanya ng pamahalaan kontra COVID-19, gaya ng healthcare workers, immigration employees, police at military personnel kasama na ang mga kagawad ng media na pawang lantad aniya sa banta ng naturang flu-like virus.

“Itong mga kababayan nating ito ‘yung hindi magdadalawang-isip na isugal ang buhay sa kalsada o labas ng bahay dahil kailangan tumulong sa gobyerno to contain the spread of COVID-19. Sila ‘yung exposed sa virus on daily basis and we need to protect them,” pagbibigay-diin pa ni Hataman.

Sa panig naman ni House Committee on Peoples’ Participation Chairperson at San Jose Del Monte City Rep. Rida Robes, nais niyang ang renta naman sa commercial space sa mga shopping areas ang siya ring maipagpaliban o huwag munang si­ngilin habang patuloy ang pamamayagpag ng COVID-19.

“Many businesses in the retail industry are experiencing a slowdown and  even losses. Many of them are small businessmen. Many workers also rely on these establishments and many of them are in danger of losing their jobs because of the slowdown,” giit ng lady house panel chair.

Bukod sa suspensiyon sa pagbabayad ng commercial space rentals, umapela si Robes sa shopping mall operators at iba pa na magbigay din ng diskuwento sa kanilang renters sa pagbabayad ng upa, na apektado ang negosyo bunsod ng naturang sakit.

“Owners of these establishments, especially our big malls  should give them rental holiday or at least discounts in their rental payments to keep them afloat and ease their burden. It is our obligation to help one another in this time of crisis,” giit ng  kongresista.

Samantala, kinumpirma ni Robes ang pagkakaroon sa kanilang lungsod ng unang CO­VID-19 positive patient, na isang 58-year old female, na walang travel history at nasa stable condition naman sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium sa Caloocan City.

“The city of SJDM has started the deployment of more than 800 city and barangay health personnel for a massive monitoring and information campaign to stop the spread of the virus in the city,” ayon pa sa kongresista. ROMER R. BUTUYAN

DISCOUNT SA UTANG AT CREDIT RELIEF PARA SA MGA APEKTADO NG COVID-19

Hinimok  din ng ilang mga kongresista ang mga bangko na magpatupad ng moratorium sa pagbabayad ng utang o bigyan ng credit relief sa mga loan ang mga apektado ng ipapatupad na community quarantine dahil sa COVID-19.

Hiling ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera sa mga bangko ay magpatupad muna ng moratorium o huwag munang singilin kahit nang isang buwan ang mga mayroong utang.

Isa pa sa inihirit ng lady solon ay ang pagbibigay din ng discount o hindi pagpapataw ng interes o multa sa mga may utang na “in good standing” o regular namang nakakapagbayad.

Umapela naman sa Bangko Sentral ng Pilipinas si Barangay Health Workers Party-list Rep. Angelica Natasha Co na ipatupad ang credit-relief sa mga kliyente lalo na sa mga biktima ng pagputok ng Bulkang Taal, lindol at ngayon naman ay CO­VID-19 pandemic.

Hindi aniya pangkaraniwan at mahirap para sa mga kababayan ang epekto ng sunod-sunod na kalamidad na sinundan pa ng epekto ng coronavirus.

Mahalaga aniyang mabigyan ng credit-relief ang mga tao lalo pa’t may ilang manggagawa at empleyado na maaapektuhan sa ipapatupad na community quarantine bunsod ng pagsasara ng mga establisimiyento at paglimita sa bilang ng mga nagta-trabaho. CONDE BATAC

2 thoughts on “(Iminungkahi ng  mga kongresista) BILLS, IBA PANG BAYARIN HINTO MUNA”

Comments are closed.