(Iminungkahi sa Kamara) GOCC DIVIDENDS GAMITIN SA BAYANIHAN 3

Eduardo Gullas

IPINANUKALA ni Assistant Majority Leader at Cebu Rep. Eduardo Gullas na paghugutan ng pondo para sa Bayanihan 3 ang cash dividends mula sa government-owned and controlled corporations (GOCCs).

Ayon kay Gullas,  sa ilalim ng Republic Act 7656, obligado ang GOCCs na magdeklara ng cash dividends at i-remit ang 50% ng net earnings sa national treasury.

Magkagayunman, nakasaad sa batas na may kapangyarihan ang Pangulo, sa ilalim din ng rekomendasyon ng Secretary of Finance, na itaas ang dividend payout ng GOCCs ng higit sa 50%.

Sinabi ni Gullas na sa kabila ng pandemya ay maraming GOCCs ang kumikita nang maayos at nakapagbibigay ng dibidendo sa national treasury.

Ilan sa mga ito ang mga korporasyon na nag-apply ng lisensiya sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para magtatag ng digital banking at electronic money platforms bunsod ng paglilipat ng maraming kompanys sa online transactions.

Ayon naman sa Department of Finance (DOF), nasa 57 GOCCs ang nakapag-remit ng P157 billion na cash dividends sa national treasury noong 2020.

Kabilang sa top 15 dividend contributors ang BSP (P40.53 billion),  Philippine Deposit Insurance Corp. (P17.98 billion), Philippine Amusement and Gaming Corp. (P17 billion), Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (P12 billion), at Civil Aviation Authority of the Philippines (P6 billion).

Kasama rin dito ang Manila International Airport Authority (P6 billion), Philippine Ports Authority (P5.05 billion), Philippine National Oil Co. (P5 billion), Philippine Reclamation Authority (P4.4 billion),  National Power Corp. (P4 billion), Philippine Charity Sweepstakes Office (P2.27 billion), PNOC Exploration Corp. (P2 billion), Philippine Economic Zone Authority (P2 billion), Bases Conversion and Development Authority (P1.17 billion), at Clark Development Corp. (P1.13 billion). CONDE BATAC

5 thoughts on “(Iminungkahi sa Kamara) GOCC DIVIDENDS GAMITIN SA BAYANIHAN 3”

  1. 402077 261968This internet website is typically a walk-through its the info you wished about this and didnt know who ought to. Glimpse here, and youll surely discover it. 256629

Comments are closed.