MAGBIBITIW sa kanyang puwesto si Bureau of Immigration (BI) OIC Deputy Commissioner Marc Red Mariñas para tumakbo sa pagka-alkalde sa Muntinlupa sa midterm elections.
Si Mariñas ay kasalukuyang hepe ng Port Operations Division (POD) ng BI sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), at nakatakdang magsumite sa Lunes ng kanyang resignation letter upang bigyang daan ang kanyang pagpasok sa politika.
Sa ilalim ng Saligang Batas, ang kawani ng pamahalaan o opisyal, ay “automatically resigned from office” kapag pormal na nag-file ng kanyang certificate of candidacy for elective office.
Matatandaan na mula sa kanyang pagkabata ay pinangarap ni Mariñas ang maging isang elective official sa kanyang bayan upang makapagserbisyo sa tinatawag na lasting legacy at genuine public service .
Aniya, masakit man iwanan ang Bureau of Immigration, ngunit hinihingi ng pagkakataon, at hindi niya maaring basta balewain ang kagustuhan ng mga mamamayan ng Muntinlupa na magkaroon ng bagong mamumuno sa kanilang bayan.
Si Mariñas ay isang career employee na nagsilbi sa BI sa loob ng 18 taon, at naging frontline Immigration Officer sa NAIA sa loob ng 14 na taon bilang alien control officer sa San Fernando, La union.
Nabigyan ito ng break noong Hulyo 2016 nang italaga siya ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre na maging hepe ng POD upang pamunuan ang iba’t ibang airport sa buong Filipinas. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.