NAKATAKDANG mag-isyu ng working visa ang Bureau of Immigration (BI) sa mga foreigner na nagnanais magtrabaho sa mga foreign company na nago-operate sa ibat-ibat lugar sa bansa, ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente.
Bilang pagsuporta ito sa resolution ng Inter-Agency Task Force for Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), na siyang nagbibigay pahintulot sa BI sa issuance ng working visas sa mga dayuhan na gusto ng long-term employment with Philippine-base employer.
Nakasaad sa IATF resolution na maari ring isyuhan ng working visa ang foreign workers na mayroong kakayahan na magtrabaho sa mga foreign funded government projects katulad sa transportation at iba pang infrastructure sa ilalim ng Build Build program ng pamahalaan.
Ayon kay Morente, sa pamamagitan ng bagong polisya ng IAT,F ang mga would-be expatriates bound for the Philippines ay kailangang mag-apply ng visa bago pumasok sa bansa.
Samantala, sa mga dayuhan na naisyuhan ng 9(g) visas, kailangan din mag-apply ng Alien Employment Permit (AEP) ang kanilang employer sa Department of Labor and Employment (DOLE), at ang hindi kumuha nito (AEP) ay hindi kuwalipikado maisyuhan ng 9(g), dagdag pa ni Morente.
At ayon pa kay Morente, sa pagdating ng visa ay agad ipadadala ito sa opisina ng Consular Affairs ng Department of Foreign Affairs, na siyang magtra-transmit sa mga foreign service post (FSP) abroad kung saan nakatira ang aplikante.
Ang FSP naman ang magi-isyu ng 9(g) visa sa aplikante, na magtutungo sa Pilipinas, at nakasaad din na kinakailangan makarating ito sa bansa sa loob ng 90 araw at mag-report agad sa BI main office para sa implementation at registration ng kanyang visa. FROI MORALLOS
493622 789079Some genuinely nice and utilitarian info on this web website , likewise I believe the style and style contains superb features. 123894
398191 215317Appreciate it for helping out, superb details. 328481
654159 132364you use a wonderful blog here! do you wish to have the invite posts in my small blog? 183036