IMMIGRATION MAGTATALAGA NG KARAGDAGANG MGA TAUHAN SA CIA AT NAIA

Jaime Morente

MAGTATALAGA  sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Clark International Airport (CIA) ang Bureau of Immigration (BI) ng karagdagang mga tauhan bilang kahalili sa kanilang mga personnel na nasa mga quarantine facilities dahil sa sa COVID-19.

Ayon kay Commissioner Jaime Morente, nagpalabas siya ng direktiba tungkol sa 155 immigration officers na tumao muna sa mga nabanggit na airport, habang nagpapagaling sa impeksiyon sa Omicron variant ang ilan sa kanilang personnel sa isolation facilities.

Kasama sa augmentation team ay ang immigration officers na nakatalaga sa ibat-ibang opisina ng Port Operations Division (POD), maging ang nasa BI main office sa Intramuros, at magmumula sa ibang satellite office ng Metro manila.

Ayon pa kay Morente, sa kasalukuyan ay nasa 180 immigration officers ang nasa loob ng quarantine facilities dahil sa pagkakalantad sa Covid -19 habang naka-duty sa kani-kanilang area of responsibilities. Froilan Morallos