NAKAHANDA ang Immigration personnel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pagdagsa ng international at domestic passengers sa darating na “Undas.”
Upang matugunan ang kakulangan ng immigration personnel sa mga paliparan sa darating na holiday seasons.
Base sa Immigration data, nag-aaverage ng 37,000 departure at 36,000 passengers arrival sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kada araw.
Kaya’t nag-deploy ang Bureau of Immigration (BI) ng karagdagan 58 fresh graduate Immigration Officer sa Ninoy Aquino international Airport (NAIA) na sasalang sa ibat-ibang Immigration counter sa airport.
At kasabay nito magde-deploy din ang Immigration ng mga personnel mula sa main office ng ahensiya na magsisilbing back up upang ma-maintain ang daloy ng mga pasahero sa pila.
FROILAN MORALLOS