NAGBAWAS ng mga tauhan ang Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos na magpahayag ang Inter-Agency Task Force (AITF) ng 15 araw na extention ng enhanced community quarantine (ECQ).
Ang naging hakbang ni Immigration commissioner Jaime Morente ay bunga ng pagkakasuspinde ng domestic at international flights sa buong kapuluan dulot ng coronavirus.
Sa kabila ng pagkakasuspinde ng mga naturang flight, patuloy naman ang ibat-ibang cargo flights, medical supplies at maging ang mga maintenance flight.
Sa kasalukuyan ay nananatili ang travel ban sa mga incoming at outgoing foreign nationals, ngunit hindi kasama sa ban ang mga Filipino at asawang dayuhan, anak, diplomats, OFWs, dayuhan na mayroong resident visa at students visa holder sa abroad. FROILAN MORALLOS