IPINAG-UTOS ni Bureau of Immigration (BI) commissioner Jaime Morente sa kanilang mga tauhan sa Ninoy Aquino International Air-port (NAIA) na magsuot ng complete personal protective equipment (PPE), habang naka-duty upang makaiwas sa coronavirus disease(COVID-19).
Ito ay matapos magsidatingan ang mga na-stranded overseas Filipino Workers (OFW) sa NAIA terminal noong nakaraang araw, dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Morente importante na magsuot ng PPE upang maprotektahan ang kanilang mga sarili laban sa sakit na ito, habang naka-duty o humaharap sa mga incoming at outgoing passengers sakay ng special flights na inorganisa ng pamahalaan.
Ayon sa opisyal, ito ay bilang antisipasyon sa paglobo ng mga pasahero sa mga paliparan at seaports habang pinag-uusapan ng Inter-Agency Task Force ang kanilang rekomendasyon sa pag-alis ng enhanced community quarantine (ECQ).
Bukod sa pagsusuot ng PPEs, face mask, face shields at gloves, sundin ang physical at social distancing, at iwasan din makipag-contact sa mga pasahero para makaiwas sa sakit na ito, sapagkat mahalaga ang kalusugan ng kanyang mga tauhan.
Inatasan din ni Morente ang mga immigration officers na ugaliin na mag hugas ng kamay gamit ang sabon, at alcohol pagkatapos ng kanilang mga trabaho o pagtulong sa mga pasahero sakay ng special flight.FROI MORALLOS
Comments are closed.