TUMANGGAP ng papuri ang Bureau of Immigration mula sa gobyerno ng Estados Unidos dahil sa pagpigil na makapasok sa bansa ang malaking bilang ng mga rehistradong American sex offenders (RSOs) sa nakalipas na taon.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, pinarangalan ng US Embassy sa Maynila ang BI at binigyan ng certificate of commendation dahil sa pagtatala bilang pangalawang may pinakamataas na bilang ng American RSOs sa buong mundo.
“I commend our officers deployed at our ports of entry for a job well done. Because of your vigilance and alertness, you were able to turn away these sex offenders to protect fellow Filipinos from possible exploitation,” ani Morente
Partikular na pinangaralan ng US Embassy ang BI’s port operations division (POD) gayundin ang airport operation section (AOS), travel control and enforcement unit (TCEU), border control and enforcement unit (BCIU) na nasa ilalim ng POD dahil sa matagumpay na pagpapatupad sa “Angel Watch” program sa mga port sa bansa.
Ayon kay BI-POD chief Grifton Medina, kabuang 156 RSOs, 128 dito ay mga American nationals ang naharang sa Filipinas sa taong 2018.
“Sex offenders, or those who have been convicted of a crime involving moral turpitude, are excludable under the Phil-ippine Immigration Act. Said aliens are also included in the country’s blacklist “to prevent any attempts to re-enter the Philippines.” ayon pa sa BI chief. PAUL ROLDAN