PINAGBABAWALAN ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang mga empleyado na i-post ang kanilang sarili na sumasayaw, kumanta o anumang kahalintulad nito na naka-uniporme gamit ang patok na social application na Tiktok.
Ang mahigpit na pagbabawal ni BI Commissioner Jaime Morente ay dahil ang uniporme ng isang empleyado ay nagrerepresenta sa institusyon sa serbisyo ng Kagawaran.
”Our policy on the wearing of the BI uniform is clear. As public servants and supposed model Filipinos, employees must proudly wear their uniform at all times, present a professional image to the public and observe proper decorum and good taste in all their actions while they are on duty,” ayon kay Morente.
Dagdag pa nito na ang pagpo-post ng videos sa social media ng mga empleyado ng BI ay nakakasira sa reputasyon ng ahensiya at magdudulot ng negatibong imahe particular ang mga immigration officers na nakatalaga sa mga port of entry.
Ayon pa kay Morente na ang pagvi-video ng isang empelyado habang nagtratrabaho ay nilalabag nila ang bawal na paggamit ng cellphones at iba pang mga electronic gadgets habang nagtratrabaho gayundin ang social media policy ng ahensiya .
The BI’s Internal Social Media Policy states that “BI personnel must adhere with the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees with respect to their actions online, and to desist from behaviors that would bring disrepute to public service”. All employees were likewise ordered to “observe proper decorum on social media to protect the integrity of the agency”.
Ang kautusan ay bunsod sa videos ng ilang immigration officers na lumabas sa online na nagti-Tiktok kung saan tinukoy ng BI chief na isang “reckless” at nagpapababa sa imahe ng ahensiya.
Ang sinumang empleyado na na sususway sa kautusan ay kakasuhan ng administratibo “for insubordination and conduct prej-udicial to the interest of the service”. PAUL ROLDAN
Comments are closed.