PINAGBAWALAN ng Bureau of Immigration (BI) na mag-leave ang mga personnel ng Bureau of Immigration (BI) sa lahat ng international ports para masiguro na may nagbibigay serbisyo sa mga mananakay sa panahon ng Lenten break.
Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na ang pagbabawal na mag-leave ay nagsimula noong Marso 15 hanggang Abril 1 upang may tao sa lahat ng booth ng paliparan para sa volume ng pasahero na papasok at palabas ng bansa.
Paliwanag ni Tansingco na kasama ang mga empleyado ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at mga international ports of entry and exit sa buong bansa sa nasabing kautusan.
“We assure the traveling public that our counters are fully manned to process them in our counters,” ayon sa BI Chief.
Ayon sa BI, tinatayang 39,000 hanggang 44,000 ang arrivals per day sa susunod na mga araw at tantiya nila na 40,000 hanggang 44,000 na international departures habang inaasahan na mas marami pang paalis na pasahero nitong Miyerkoles habang ang volume ng padating na pasahero ay nitong Linggo.
Pansamantalang nagdagdag ng 70 karagdagang personnel na tutulong sa international airports at mga standby na mobile counters na tutulong sa pagpoproseso sa mga biyahero. PAUL ROLDAN