UPANG mapaghandaan ang pagdating ng mga bakuna laban sa COVID-19 ay nagsagawa ng simulation activity ang lokal na pamahalaan lungsod ng Maynila sa Unibersidad de Manila bilang paghahanda sa gagawing immunization program para sa COVID-19.
Ito ay upang ipakita ang mga posibleng mangyari kung magkakaroon na ng COVID-19 vaccination activity, gaano ang maaaring itagal ng proseso at iba pang scenario.
Kailangan namang sundin ang limang hakbang o step para sa pagbabakuna.
Una o step 1, sumalang muna sa pagsuri sa vital signs at body temperature check.
Step 2 ay ihanda ang QR code o kopya ng waiver form kung pre-registered.
Step 3, hintayin ang tawag ng doktor sa screening area.
Step 4, pumunta sa vaccination area at ang panghuli o step 5 pagkatapos na mabakunahan ay maghintay sa holding area.
Kailangan itong gawin upang malaman kung may naging epekto ba o adverse effects sa tao matapos na mabakunahan (average ay 30 minutes).
Nagkaroon din ng isang scenario na hindi itinuloy ang pagbabakuna sa isang tao dahil may simtomas ng lagnat, ubo at sipon.
Sinubukan naman ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang limang steps .
Aniya, layon ng simulation activity na masanay ang kanilang mga tauhan lalo kapag umarangkada na ang vaccination program ng pamahalaan.
Sinabi pa ng alkalde na habang hinihintay ang mga bakuna ay aaralin pa ng Manila LGU ang mga kailangan upang maiwasan ang posibleng aberya sa vaccination activity .
Nauna nang sinabi ng alkalde na may tiyak nang suplay ng COVID-19 vaccines para sa mga frontliner at mga residente ng Maynila, mula sa AstraZeneca. PAUL ROLDAN
Comments are closed.