NATIKMAN na ng inyong columnist ang pancit malabon ng mag-mommy Divine at Sarah Geronimo na ang organic ingredients na mula sa harvest sa kanilang farm ay gawa mismo ni Mommy Divine. Ang pagkakaiba ng Imos Pancit Malabon ng mga Geronimo ay marami itong sahog na shrimp, itlog at tahong kaya naman very yummmy.
Bukod sa nasabing business ay may isa pang resto si Mommy Divine na nasa tabi lang halos ng mansion nila sa Saint Charbelle sa may Mindanao Avenue. Nasa billboard business din ang mga Geronimo at makikita ang kanilang mga pinarerentahang billboard sa mga busy street sa Mega Manila tulad ng Edsa at Quezon Avenue.
CHRISTIAN GIO NA HAWIG KAY JAMES REID PASOK SA INDIE MOVIE
MARAMI ring plano ang friend naming talent manager na si Ronnie Cabreros para sa kanyang alaga at pamangkin sa tunay na buhay na si Christian Gio. At dahil wholesome ang image ni Christian ay panay ang audition niya sa TV commercial at umaasa ang young actor/model/event host na makuha siya sa mga produktong pinag-auditionan lalo’t nakikita naman niyang bagay siya mag-promote nito. Oo naman puwedeng-puwedeng maging endorser si Christian ng clothing company o kaya food chain. Pagdating naman sa movies konting pag-aantay na lang at sasabak na rin sa paggawa ng indie movie ang kanilang idol na actor. At siyempre hindi magpapa-sexy rito si Christian dahil maliban sa boy next door ang image niya ay strict ang kanyang parents sa province at maging ang tiyuhing si Ron ay hindi rin papayag na maghubad siya sa big screen. Marami pala ang nakaka-witness sa pagkakahawig ni Christian sa matinee idol singer-actor na si James Reid.
Well, nagsimula rin sa pagiging nameless noon si James at ngayon ay isa na ang actor sa tinitingala sa showbiz at malay mo at dumating din ang oras ni Christian at sumikat rin siya ng husto sa showbiz.
ANGELIKA DE LA CRUZ ISINISI KAY PNOY ANG PAGBAHA SA METRO MANILA
ABA’Y hindi naman pala fake news ang reklamo kay PNOY ni Kapitana Angelika dela Cruz ng Longos Malabon sa nagkalat na basura at dumi ng tao sanhi ng matitinding pagbaha sa lugar gayundin ang movie scribe na si Jimi Escala na kagawad ng Tondo at Mommy Klenk (mother nina Ara Mina at Christine Reyes) na nahirapan sa pagbenta ng kanilang property sa Marikina. At dahil matinding baha kung saan maraming lugar sa Metro Manila ang lubog hindi pinalampas ng batikang kolumnista ng isang kilalang pahayagan ang dating administrasyon at pagmaniobra umano ng dating Pangulong NoyNoy Aquino sa plantsadong proyekto na sana’y ilulunsad na lamang handog ng administrasyong Arroyo. Ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng P18.7 bilyones at tinawag na Laguna Lake Rehabilitation Project na pangunahing layunin nito ay ang SUMALO sa umaapaw na tubig na nagreresulta ng matinding baha sa Kamaynilaan. Kung sana’y mailunsad, lilinisin ng naatasang ahensiya ang naturang lawa na kilala bilang pinakamalaki sa bansa, kabilang na ang Napindan Channel sa Taytay na magsisilbing lagusan ng tubig nito mula sa Metro Manila. Ayon pa sa nasabing hard-hitting columnist, hindi sana malaking pera ang kakailanganin sa nasabing proyekto sapagkat sasagutin na sana ng bansang Belgium ang katumbas sa P7 bilyones na gastusin bilang REGALO nito sa Filipinas.
Ang tanyag na kumpanyang Baggerwerken Decloedt En Zoon (BDZ) na pinagmamay-ari ng isang Belgian firm ang sana’y gagawa sa paglilinis ng Lagunda de Bay at ng Napindan Channel. Inabot umano ng tatlong taon ang pag-aaral ng bansang Pinas at Belgium, sa ilalim ng maayos na kasunduan para sa naturang proyekto na nakatakda sanang simulan noong Setyembre 2010 at posibleng matapos agad ng taong 2012.
Comments are closed.