IMPACT NG EL NIÑO SA GULAY

GULAY

TUTUTUKAN ng Department of Trade and In­dustry (DTI) ang epekto ng El Niño sa produksiyon ng mga pagkain, partikular ang mga gulay.

Ito ang nabatid kay DTI Undersecretary Ruth Castelo na nagsabing posibleng tumaas ang presyo ng mga gulay sa mga pamili-han na, aniya, ay hindi maiiwasan dahil na rin sa inaasahang pagbaba sa produksyon ng mga ito sanhi ng El Niño.

Ayon kay Castelo, posibleng magkaroon ng paggalaw sa presyo ng agricultural products sa mga susunod na buwan dahil sa inaasahang pagbaba ng  produksiyon ng mga ito dulot ng matin­ding init ng panahon.

“Gulay talaga iyong binabantayan natin because of the drought now happening in several regions in the country, so production has halted I understand. And we intend to address this through the NPCC [National Price Coordinating Council] by finding out how we can help farmers continue production or minimize at least the ill effects of El Niño,” sabi ni Castelo.

“If there is low production in the countryside, supply will decrease and then prices will go higher be-cause there is less supply. So we want to address that immediately. And we are actually looking at how to help the farmers continue producing despite the El Niño,” dagdag pa ni Castelo.

Sinabi ni Castelo na pag-uusapan nila sa isasagawang pulong ng NPCC ang mga posibleng hakbang na ipatutupad upang matu-lungan ang mga magsasaka at isa na rito ang tulong sa irigasyon para sa tuloy-tuloy na patubig sa mga taniman.

“That’s why government is here; we want to minimize the effects. There will definitely some effects on agricultural products, we cannot deny that. We’ll see how. It’s going to be discussed this afternoon. We’ll see how we can help DA help the farmers,” dagdag pa ni Castelo. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.