IMPLASYON BUMABA SA 1.9%

Magandang balita. Ito’y dahil lalo pang bumaba ang inflation rate ng bansa sa 1.9% ngayong Setyembre mula sa 3.3% noong Agosto lamang.

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumagsak ang implasyon ng bansa sa 1.9%, na malaking pagbaba kumpara sa 3.3% noong nakaraang buwan.

Sa pagtaya ng ilang ekonomista, ito marahil ay dala ng pag-alis ng taripa ng mga imported na bigas at inaasahang bababa na ang presyo ng bigas.

Ayon pa sa ilang eksperto, ang sunod-sunod na job fair ng pamahalaan at pagkakaroon ng mga trabaho ng tao ay isa rin sa mga dahilan ng pagbuti ng inflation.

Tingin naman ng Kongreso, ang walang humpay na pagbibigay ng tulong ng administrasyong Marcos sa mga magsasaka at mahihirap at sa mga estudyante sa mga Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ang dahilan din ng pagganda ng inflation rate.

Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, “We will continue to support the programs of Pres. Marcos para mas mapaganda pa ang buhay ng mga kababayan natin.”

Aniya pa, “Gagawin namin ang lahat dito sa Kongreso para maiangat pa ang buhay ng mga Pilipino.”