TUTUTUKAN ni Senador Win Gatchalian sa isasagawang joint Congressional Oversight Committee sa Enero ng susunod na taon ang programang K-12 upang masuring mabuti.
Ayon kay Gatchalian, mahalaga ang gagawing pag-aaral upang siguruhing natutugunan ng programa ang pangangailangan ng mga mag-aaral, lalo na sa kahandaang makapagtrabaho kung saan inamin nito na maraming mga kakulangan at hamong kinakaharap ang programa gaya ng kakulangan ng kagamitan sa mga paaralan.
“While the program has gaps and challenges, we need to sustain it in a way that also addresses implementation issues to provide quality education and boost global competitiveness,” ani Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts, and Culture.
Nagkakaisa naman ang Mababang Kapulungan sa paniniwalang hindi nakakamit ng programa ang mandato nito.
Pahayag rin ni Gatchalian na tututukan ng Senado ang panukalang budget ng K-12 para sa susunod na taon na sa bersiyon ng Kamara na isinumite sa Senado ay nasa P551.7 billion ang pondo ng Department of Education (DepEd) sa 2020.
Sa panahon ng budget deliberation sisiguruhin ni Gatchalian na ang pondong ibibigay para sa naturang programa ay para makatulong sa mga pangangailangan ng mga guro at mag-aaral at hindi maging pasanin. VICKY CERVALES
Comments are closed.