IMPLEMENTASYON NG NATIONAL ID SYSTEM IPINAHIHINTO

Rep-Carlos-Isagani-Zarate

IPINAHIHINTO ni Ba­yan Muna Rep. Carlos Zarate ang implementas­yon ng National ID system sa bansa.

Ito ay dahil sa kaduda-dudang contractor Gemalto NV na dawit sa palpak na voter’s registration verification system machine noong nakaraang hal-alan.

Nababahala si Zarate na posibleng sapitin ng National ID system ang pagpalpak ng voter’s re­gistration machine dahil sa kukuning contractor.

Sangkot din ang kompanya sa pag-monitor sa mobile communications at sim authentication nang minsang gamitin ito ng National Security Agency at British Government Communications Headquarters.

Hiniling ni Zarate na imbestigahan ang pagkuha sa contractor bago pa man makompromiso ang datos at privacy ng ma-higit 110 milyong mga Filipino.    CONDE BATAC