IMPLEMENTASYON NG SENIOR HIGH MATAGUMPAY – DEPED

ITINUTURING na matagumpay ng Department of Education (DepEd) ang unang dalawang taong implementasyon ng senior high school.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, nasa mahigit isa’t kalahating milyong mga estudyante ang nag-enroll sa Grade 11, doble ng bilang na inaasahan nilang enrollees.

Dagdag pa ni Briones, nakapagbigay ang DepEd ng libreng edukasyon o hindi kaya ay malaking subsidiya sa halos tatlong milyong mag-aaral sa mga pampubliko at pribadong paaralan para sa School Year 2017-2018.

Giit pa ni Briones, ang tagumpay sa pagpapatupad ng SHS program ay na­ging posible dahil sa “commitment” ng Duterte administration sa nasabing prog­rama. DWIZ882

Comments are closed.