IMPORT BAN NG MGA PRODUKTO SA MGA BANSANG MAY ASF TULOY

Secretary Manny Piñol

MULING binigyang-diin ni Agriculture Secretary Emmanuel “Manny” Piñol kamakailan na ang import ban sa mga sariwang prutas, karne, at mga produktong galing dito, gayundin ang mga halaman mula sa mga bansang may pinsala ng African Swine Flu (ASF) ay patuloy pa ring pinaghihigpitan ng mga awtoridad.

“Over the last few weeks, following the strict implementation of Quarantine Rules against the entry of fresh fruits, vegetables, plants, meat and meat products, friends of President Rody Duterte and mine as well, have asked for consideration so that they could pass through Quarantine Officers,” pahayag ni Piñol sa kanyang mensahe sa kanyang Facebook page.

“We are begging for your understanding because we could not exempt anybody from the rule that these products could not enter the country without the needed sanitary permits,” sabi niya.

Sinabi rin ni Piñol na umaasa siya na mauunawaan ng mga taon ang sakuna na kanilang makukuha kapag pinayagan ang mga produktong nabanggit na makapasok sa ating bansa.

“Alam ko marami ang magtatampo,” sabi niya, na halatang tumutukoy sa mga “kaibigan” na tinanggihan ang mga special consideration.

Ang mga bansa na napinsala sa ASF ay ang  Belgium, Bulgaria, China, Czech Republic, Hungary, Latvia, Moldova, Poland, Romania, Russia, South Africa, Ukraine at Zambia.

Sinabi ng DA chief na ang ASF ay nakababahala sa hog industry ng bansa “at kailangan nating maglagay at magpatupad ng mahigpit na quarantine protocols.”

“Let me just remind you of the implications if we become complacent or if we accommodate requests for exemptions,” sabi niya.

Bukod pa rito, sabi ni Piñol, nahaharap ngayon ang Philippine Banana Industry sa isang seryosong problema dahil sa Fusarium o Panama Disease, na nanggaling din sa ibang bansa.

“How do you think it got here? That is a result of the complacency of quarantine officers in the past,” sabi niya.

Ayong sa batas ng Bureau of Customs, pinaghihigpitan ng agriculture quarantine ang pagpasok ng hayop, isda, at produktong halaman, o ang mga produktong kaugnay dito tulad ng karne, itlog, ibon, prutas at iba pa.

Ang pag-transport ng endangered species at kanilang produkto ay hinihigpitan at pinagbabawalan din ng Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora (CITES) at ng regulasyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Gayundin ang pag-export ng mga ganitong klaseng prudukto ay kailangan na maisangguni sa quarantine officers para masiguro ang pagsunod sa Philippine regulations at requirements ng bansa na patutunguhan. Ang hindi pagkuha ng prior import at/o ng export permit mula sa DA kasama ang katugmang health sanitary or phyto-sanitary certificate mula sa bansang pinanggalingan at ang pag­dedeklara ng tulad nito ay puwedeng magresulta sa pagkumpiska, multa o kaparusahan.           PNA