IMPORT BAN SA VAPE UMARANGKADA NA

Vapes

SINIMULAN na ng pamahalaan ang ban sa pag-import ng vape sa bansa.

Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda, inumpisahan na ng Bureau of Customs (BOC) ang de facto ban sa import ng mga makina, equipment at pods na ginagamit sa pagga-wa ng vape.

Kabilang sa mga sumulat at nagsulong sa import ban ng vape ang Food and Drug Administration (FDA), National Tobacco Administration (NTA) at Department of Trade and Industry-Product Standards (DTI-PS).

Ibinunyag ni Salceda na ilan sa mga dahilan ng ban sa import ng vape ay health risks at kawalan ng per-mit para ma-regulate ang vape.

Natuklasan ng FDA na may 100 vape cartridges silang nasuri na nilagyan ng liquefied marijuana na ma-layang nagagamit ng mga vape user.

Bukod dito, wala ring permit mula sa NTA at DTI-PS para ma-regulate at mabuwisan nang tama ang mga vape.

Sinabi pa ni Salceda na may pag-aaral pa sa Estados Unidos na 87% ng mga injuries ay galing sa ilegal na paggamit ng vape at ito ang nais iwasan ng gob­yerno na mangyari sa bansa.

Nakasaad sa sulat ng NTA sa Customs na bibigyan naman ng exemption sa import ban ng  vape kung ito ay ‘for personal con-sumption’ pero may itatakdang limitasyon o sukat.

Samantala, planong itaas sa P45 per ml ang buwis sa vape sa pagsalang nito sa bicameral conference committee.

Inaasahang kikita dito ang gobyerno ng P2.8 billion kada taon. CONDE BATAC