IMPORTANSIYA SA PAGTUGON SA KALAMIDAD IDINIIN NG PDRRMD-BULACAN

KALAMIDAD

LUNGSOD NG MALOLOS – Binigyang-diin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa pagtugon sa kalamidad sa paglulunsad ng mga programa para sa obserbasyon ng “National Disaster Resilience Month” ngayong Hulyo sa Bula­can Capitol Gymnasium sa lungsod na ito kamakailan.

Ayon kay Gobernador Wilhemino  Sy-Alvarado, layunin ng pag-obserba sa National Disaster Resilience Month na itaas ang antas ng kamalayan ng mga Bulakenyo hinggil sa pagtugon at pagiging matatag sa panahon ng kalamidad.

May temang ‘KATATAGAN SA KALAMIDAD ay Makakamtan kapag Sapat ang Kaalaman sa Kahandaan’, kabilang sa isang buwan na programa ang Oryentasyon sa Paghahanda ng Barangay sa Kala­midad at Pamamahagi ng Collapsed Structure Search and Rescue (CSSR) Hand Tools sa Hulyo 10-13 sa The Pavilon, Hiyas ng Bulacan Convention Center at sa Hulyo 13 na gagana­pin sa Bulacan Capitol Gymnasium.

Para sa Regional Rescue Olympics 2018, nakipagtuwang ang PDRRMO sa Bulacan Rescue at ibang lokal na pamahalaan na tinawag na ‘One Bulacan’. Kabilang din sa pangkat na ito ang mga Lungsod ng Meycauayan at Malolos at mga munisipalidad ng Marilao, Bustos at Pulilan.  A. BORLONGAN

Comments are closed.