KAPAG dumating sa susunod na buwan, ang may 17,000 metrikong tonelada ng inangkat na galunggong sa bansa, inaasahang aabot sa P75 hanggang P80 kada kilo ang presyo nito.
Inihayag ng Department of Agriculture, darating sa unang linggo ng Setyembre ang imported na galunggong na isasailalim muna sa inspeksiyon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) bago ibenta sa mga palengke.
Layon nito na masigurong walang anumang formalin na ginamit sa mga imported na galunggong para ma-preserve ang frozen na isda na siyang pinangangambahan ng mga mamimili.
Sa kasalukuyan, ang galunggong ay ibinibenta sa halagang P100 hanggang P150 kada kilo sa ibang palengke at sa ibang pamilihan naman ay umaabot sa P200 ang kilo.
Samantalang ang mga frozen galunggong ay ipinagbibili sa halagang P100 kada kilo na tinatanggihan naman ng mga tindera dahil sa mas gusto nilang bagong hango ang isang ibinibenta.
Comments are closed.