‘IMPORTED GG’ PUMALO SA P280 KADA KILO

isda

UMAKYAT  na hanggang P280 ang kada kilo ng isdang galunggong na inangkat ng pamahalaan mula sa ibang bansa.

Sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA), P260 hanggang P280 ang kada kilo ng galunggong sa San Andres Market sa Maynila.

Mas mahal ito sa P240  kada kilo sa Las Pinas City Public Market, Marikina City Public Market at Mega QMart sa Edsa,Quezon City.

Habang P260  naman sa Guadalupe Market sa Makati City, Quinta Market sa Maynila at Commonwealth Market sa Quezon City.

Ayon kay DA Asst. Sec. Kristine Evangelista, ‘off season’ ang panghuhuli ng isdang galunggong sa malaking bahagi ng karagatan ng Filipinas kung kayat puro imported ang nabibili sa mga pamilihan.

Nabatid na tatagal ng hanggang Enero 2021 ang ‘off season’ ng isdang galunggong sa bansa.

Sinabi naman ni Bureau of Fisheries and Acquatic Resources (BFAR) Spokesman Nazario Briguera, ang ‘off season’ sa panghuhuli ng galunggong ay upang bigyang-daan ang pangingitlog o pagpaparami nito.

 EVELYN GARCIA

Comments are closed.