NANGHINGI ng tulong sa Bureau of Customs (BOC) ang kilalang manufacturing company ng Nike, Converse, Hermes, Chanel, Fendi, Maison Goyards, Michael Kors, Alexander Mcqueen at Swarovski, upang masawata ang mga illegal importation ng kanilang mga produkto sa bansa.
Nitong nakalipas na linggo at nakipagpulong ang mga representantive ng mga kompanya kay NAIA-BOC District collector Memil Talusan, at Atty. Rowel Barba, Director General ng Intellectual property Rights of the Philippines (IPOPHIL) para matuldukan ang proliferation ng counterfeit product na dumarating sa mga port entry sa bansa.
Sa naturang pagpupulong ay napagkasunduan ng grupo, na ang mga nakumpiskang produkto sa Paircargo, ay ipasubasta o ipadaan sa public auction upang makatulong sa gastusin ng pamahalaan sa pambili ng COVID-19 vaccines.
Batay sa record ng BOC nitong nakalipas na taon umaabot sa 23.2 milyong piso ang halaga ng luxury watches, bags, shoes, sandals, T-shirts at iba-ibang accessories ang nakatakdang ipasubasta ng BOC.
Napag-alaman na dumating ang mga ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng magkakaibang petsa, at inabandona ito dahil bukod sa walang mga import permit ay nilabag ng importer ang Intellectual Property Rights (IPR), at Sec-tion 1141 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). FROI MORALLOS
Comments are closed.