IMPORTED MEAT BUMAHA

IMPORTED MEAT

BINAHA ng imported meat ang domestic market noong nakaraang taon ng mahigit sa 300 million kilos para sa baboy at 270 million kilos para sa manok, na lubhang mataas sa minimum access volume na itinakda ng World Trade Organization.

Ayon kay Abono partylist at Samahang Industriya ng Agrikultura chairperson Rosendo So, bagama’t pinababa nito ang presyo ng karne sa mga lokal na pamilihan, ang oversupply ay nakaapekto sa backyard hog at chicken raisers na nanganganib na mawalan ng kabuhayan kapag nagpatuloy ang over importation.

“The truth of the matter is our domestic production can sustain the local demand. The gap that needs to be addressed through importation is very minimal,” wika ni So.

Iginiit din ng grupo ang kanilang suporta sa panawagan ni  senatorial candidate at Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na itigil ang pag-angkat ng karne na lagpas sa WTO commitment ng bansa.

Ani So, ang domestic chicken production ay nasa 98 percent sufficiency na may 1.3 billion kilos habang ang pork production ay nasa 96 percent sufficiency sa 1.8 billion kilos.

“This is the reason why the minimum access volume set by the WTO is only at 54.21 million kilograms for pork and 23.49 million kilograms for chicken. We can supply the local demand even without importing,”  paliwanag ni So.

Gayunman, noong 2018 ay umabot ang total pork importation sa 387.89 million kilograms o mas mataas ng halos 700 percent sa MAV.

Samantala, ang total imported chicken ay pumalo sa 310.85 million kilograms o mas mataas ng 1,100 percent sa WTO-set volume.

“The over-importation really resulted in a flooding of the market. This is why farm gate prices of poultry products stood at only P70 per kilo while pork was at about P120 per kilo… I am pretty sure there will be backyard raisers who will fold up because their earnings right now are below break-even,” babala ni So.

“This makes it imperative for government to install the necessary safeguard mechanisms to curb or totally eliminate over-importation of pork and chicken into the country,” dagdag pa niya.

Comments are closed.