IPINATUPAD ng Department of Agriculture (DA) ang temporary ban ng importation ng domestic at wild pigs o baboy-ramo maging ang mga kahalintulad na produkto mula China, Latvia, Poland, Romania, Russia at Ukraine.
Ito’y sa gitna ng pagkalat ng African Swine Fever o ASF sa Tsina kung saan nasa 38,000 baboy na ang pinaniniwalaang naapektuhan.
Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, haharangin at kukumpiskahin ang lahat ng shipment ng nasabing produkto ng lahat ng DA veterinary quarantine officer sa lahat ng pangunahing pantalan.
Kukumpiskahin din, aniya, ang karne ng mga nabanggit na hayop na maaaring dalhin ng mga pasahero mula sa mga apektadong bansa.
Ang ASF ay isang uri ng highly contagious hemorrhagic disease ng mga baboy at baboy ramo.
Comments are closed.