PINABOBOYKOT ng grupo ng mga mangingisda ang mga imported na galunggong na bagama’t mura ay may masama umanong epekto sa kalusugan.
Ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas o Pamalakaya, unti-unting papatayin ng importasyon ang lokal na fish industry sa halip na makatulong ito.
Hindi rin kumbinsido ang grupo sa pahayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na mayroon lamang mababang lebel ng formalin ang galunggong mula China o Taiwan.
Anila, imposibleng tumagal ng ilang buwan ang galunggong nang walang halong kemikal upang mapanatili itong sariwa na katulad ng tuna ay madaling masira o mabulok.
Una nang inaprubahan ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang Fisheries Administrative Order 195 upang umangkat ng 17,000 metriko toneladang galunggong mula China, Vietnam at Taiwan simula sa Setyembre 1. DWIZ 882
Comments are closed.