IMPORTED PRODUCTS BANTAYAN

PIÑOL-1

INATASAN ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang lahat ng opisyal sa airport na nasa ilalim ng Department of Agriculture (DA) na masusing bantayan ang pagpasok sa bansa ng mga import- ed na produkto tulad ng prutas, gulay at karne.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Piñol na kanyang ipakukumpiska ang lahat ng  nasabing mga produkto bunsod ng pagiging maluwag ng mga DA official na hindi sumusunod at hindi isinasailalim ang mga ito sa sanitary permit kung kaya may ilang produkto ang nakakapasok sa bansa.

Nauna rito, ikinabahala ng kalihim ang pagkalat ng African Swine Flu sa ilang bansa kung kaya inalerto na rin niya maging ang mga pantalan.

Kumpiyansa naman si Piñol na maiintindihan ng mga ne­gosyante ang ginagawang paghihigpit ng gobyerno para tugunan ang naturang problema maging ang epektong nakaamba dulot ng Panama Disease, na posibleng tamaan ang banana industry at bilang bahagi ng paglaban sa pagpasok ng smuggled products sa bansa.

Kaugnay  nito, muling nagbabala ang kalihim na hindi siya mangingiming muling magsibak ng mga opisyal nito na nakabase sa mga paliparan at pantalan sakaling malamang naging pabaya at maluwag sa mga alituntuning ipina-tutupad ng ahensiya.     BENEDICT ABAYGAR, JR

Comments are closed.