NAKATAKDANG doblehin ng Department of Agriculture (DA) ang taripa sa imported rice na layuning mapagaan ang sitwasyon ng mga local farmer na nagdurusa sa mababang presyo ng kanilang napoprodyus.
“We have to holistically and systematically protect the consuming public and much more, the farmers,” pahayag ni Agriculture Secretary William Dar.
“So I have taken the necessary steps and the direction where we will enforce legal measures to at least double the current tariff of 35 percent during these times when we have greatly exceeded the volume needed to fill up the slack in national rice supply,” anang kalihim.
Sa naunang pahayag, sinabi ni Dar na ipalalabas ng DA sa katapusan ng buwan ang isang kautusan na nagtataas sa duties sa bigas mula sa Southeast Asian countries sa 75 percent mula sa kasalukuyang 35 percent, habang ang taripa sa imported rice mula sa ibang bansa ay itataas sa 100 percent mula sa 50 percent.
Ayon pa kay Dar, poprotektahan ng ahensiya ang mga magsasaka sa pagbasura sa karagdagang imports, lalo na ngayong main harvest season upang makinabang sila sa respectable farmgate prices ng palay na itatakda ng pamahalaan sa pamamagitan ng National Food Authority.
Nang hingan ng paliwanag, sinabi ng kalihim na ang naunang pahayag ay binago dahil tinatalakay pa nila ang mga numero.
“There is an oversupply of rice in the country following the implementation of the rice tariffication act, a measure that opened the country to rice imports,” aniya.
Umaaray na ang mga magsasaka sa pagbaha ng rice imports na nagresulta sa pagbagsak ng presyo ng unmilled rice o palay.
Ayon kay Dar, ang pamahalaan ay umangkat ng 2.4 million metric tons ng bigas at sobra-sobra, aniya, ito sa pangangailangan ng bansa.
Comments are closed.