KINASUHAN ng Bureau of Customs (BOC) ang mga importer ng sibuyas dahil sa paglabag sa Sections 1401 and 1402 of Republic Act No. 10863 o kilala sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act in relation to Republic Act No. 10845 otherwise known as “Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.
Ang mga sinasabing importer ay sina Fernando M. Diana, Jr. na may-ari ng Skyrocket, customs broker, at Reynaline B. Turrado dahil sa ilegal na pagpaparating ng sibuyas na umaabot sa P1,899,827.00.
Kasama rin sa mga kinasuhan ang may-ari ng Kasaligan International Marketing Corporation, na sina Emily F. Maslunga at Virgilio Q. Miranda, presidente at ingat-yaman ng Kasaligan, gayon din ang kanilang licensed customs broker na si Carlos Andrew C. Alindogan, kaugnay sa ilegal na importasyon ng sibuyas na nagkakahalaga ng P881,765.
Nag-ugat ang mga kasong kinasasangkutan ng mga suspek na ito na may kinalaman sa mga nasakote na 6×40 reefer containers sa Manila International Container Port at ideneklarang mga mansanas, ngunit ng iparaan sa 100 porsiyentong eksaminasyon, lumabas na ang tunay na laman ng mga container ay sariwang sibuyas.
Ayon kay BOC Commissioner Isidro Lapeña, ang large-scale smuggling of agricultural products ay ikinokonsidera na economic sabotage, na sumisira sa pangkabuhayan ng mga local na magsasaka. FROI MORALLOS
Comments are closed.