IMPORTERS, BROKERS KINASUHAN NG BOC

NAGSAMPA ng tatlumpung kasong kriminal at administratibo ang Bureau of Customs (BOC) laban sa importers at customs brokers na lumabag sa customs laws, rules, and regulations.

Ginawa ang hakbang sa pamamagitan ng BOC – Action Team Against Smugglers (BATAS) sa pakikipagtulungan sa Department of Justice at iba pang government agencies na nagresulta sa pagsasampa ng kabuuang 24 na kasong kriminal mula Enero hanggang Marso laban sa 73 na indibidwal na kinabibilangan ng mga importers, exporters, at customs brokers dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10863, o kilala sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at iba pang mga batas.

Kasabay nito, anim na kasong administratibo ay isinampa laban sa mga licensed customs brokers sa Professional Regulation Commission (PRC).

Sa datos mula sa BATAS na kabilang sa mga kaso ay ang unlawful importation of cigarettes na nagkakahalaga ng P160.4 million, agricultural products na P131.4 million, motor vehicles na P49.4 million, general merchandise na P7.7 million, at iba pang commodities na nagkakahalaga ng P7.2 million. PAUL ROLDAN