IMPORTERS, BROKERS KINASUHAN SA DOJ

SINAMPAHAN sa Department of Justice (DOJ) ng Bureau of Customs (BOC) ang dalawang importers at mga brokers nito dahil sa ma­ling deklarasyon at paglabag ng Customs Laws.

Kabilang sa mga kinasuhan ay ang F.E.R.N Freight Enterprises at Primeace Corporation hinggil sa paglabag ng RA 10863, o tinatawag na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), FDA Administrative order 2016-0003 in relation to sections 10 and 11 ng Food and Drug Administration Act of 2009.

Ayon sa Bureau of Customs Action Team Against Smugglers (BATAS), nilabag din ng dalawang importer at mga brokers nito ang article 172 at 171 ng Revised Penal Code as amended.

Bukod sa kasong kriminal, kakaharapin din ng dalawang broker ang kasong administratibo sa Professional Regulation Commission na may kinalaman sa pakikipagsabwatan sa importers sa kanilang illegal activities. FROILAN MORALLOS

One thought on “IMPORTERS, BROKERS KINASUHAN SA DOJ”

Comments are closed.