KASONG kriminal ang kahaharapin ng mga importer na inihain ng Bureau of Customs sa Deparment of Justice (DOJ).
Unang kinasuhan si Agustine Esguerra at ang kanyang Customs broker na si Tomas James De Los Santos dahil sa smuggling ng Bently Continental GT at Hino truck nang walang mga papeles.
Si Esguerra ang may-ari ng Pulilan Motors Truck Rebuilding Center na siya ring consignee ng dalawang sasakyan na nakapangalan sa kanyang kompanya.
Kinasuhan din si Gianmarco Macaluso makaraang makuha sa kanya ang pekeng relos na Rolex pagdating niya sa Clark International Airport (CIA) noong Pebrero 5, 2018 galing sa Singapore.
Kabilang pa sa mga inasunto ay sina Jeffrey Samson, Edgar Valencia at broker na si Jenilie Gacutan dahil sa pagpaparating ng 913 gramo ng shabu na idineklarang damit ng mga bata at 2,092 gramo ng shabu na idineklara bilang “8 Sauce”, Marcelino Rotea at Mario Jamoroa na mga consignee ng 3.165 kilo ng marijuana na itinago sa anim na platic packs at idineklarang used shirts at pasta sauce. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.