IMPORTS BANNED SA NCAA

Frank Gusi

BILANG na ang mga araw ng imports na naglalaro sa National Collegiate Athletic Association o NCAA.

Sinabi ni NCAA management committee chairman Frank Gusi ng University of Perpetual Help Dalta na hindi na papayagan ng liga ang paggamit ng import-students sa mga laro simula sa Season 96.

“The NCAA has decided this year to allow all foreign athletes  to see action only until Season 95 or next year,” wika ni Gusi sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Tapa King Restaurant sa Farmers Plaza sa Cubao.

Kabilang sa imports na maaari pang maglaro sa ilalim ng bagong panuntunan ay sina Eugene Toba ng San Beda, Prince Eze ng Perpetual, at Hamadu Laminou ng Emilio Aguinaldo.

Ang tungkol sa foreign athletes ang isa sa dalawang ­pangunahing isyu na tinalakay ni Gusi sa session.

Binanggit din ni Gusi ang matigas na paninindigan ng liga laban sa game fixing, at sinabing sinusuportahan ng NCAA ang ‘Anti-Game Fixing Act’ na ipinasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

“For purposes of this Act, game-fixing shall refer to any arrangement, combination, scheme or agreement made by any person or persons, who for valuable consideration or monetary gain, maliciously conducts or cause to be conducted any game, race, or sports competition,” wika ni Gusi nang basahin ang NCAA statement.

Ang Season 94 ng NCAA ay lalarga sa Hulyo 7 sa Mall of Asia Arena, kung saan sisimulan ng San Beda ang title defense nito laban sa host Perpetual Help.

Ayon kay Gusi, hanggang maaari ay gagawin lamang simple ng Altas ang opening ceremony.

Inimbitahan si Perpetual Help alum Scottie Thompson na dumalo sa opener.

Comments are closed.