ARESTADO ng mga tauhan ng Philippine National Police ang lalaki na nagpapanggap bilang si DILG Secretary Benhur Abalos.
Nabatid na daan-daang libong piso ang natangay ng suspek na si Edison Montealto mula sa mga nabiktima nito na pawang mga local government official.
Iniharap sa media ni Abalos suspek na itinuturong nasa likod ng panggagaya sa boses ng kalihim at nanghihingi ng pera sa LGU officials.
Ang style niyang sasabihin, “Ako si Abalos magpapadala ako bigas on the way na, nasiraan, pakitulungan magbigay pera eto Gcash ko, tatawag staff ko.”
Ayon sa record, apat na local govenment official na ang nabiktima ng suspek na natangayan ng higit sa P100,000 at P50,000.
Kabilang sa mga biktima ay mga mayor at gobernador na nanghingi rin ng P150k na dahil sa hindi kayang ipadala sa Gcash, kumagat na cash na lang.
Sinampahan na ang suspek ng kasong identity theft, spoofing at estafa kaugnay sa anti cybercrime law.
Patuloy namang tinutugis ang iba pang mga kasabwat ng suspek.
EUNICE CELARIO