MAS maaga umanong matatapos ng Commission on Elections (Comelec) ang isinasagawa nilang pag-iimprenta sa mga balotang gagamitin sa National and Local Elections na nakatakda sa Mayo 13.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, posibleng matapos ang ballot printing sa Abril 10, o mas maaga ng 15-araw, sa target nilang deadline na Abril 25.
Paliwanag ni Jimenez, mas mabilis ang ginagawa nilang pag-iimprenta ng mga balota na umaabot na sa mahigit P1 milyon kada araw, kaya sa ngayon ay umabot na sa mahigit 30 porsiyento ang natapos nilang ilimbag.
Plano pa umano nila na magdagdag ng isa pang printing machine ang kanilang ginagamit kaya asahan nang mas madaragdagan pa ang bilang ng mga balotang maiimprenta nila sa araw-araw. ANA ROSARIO HERNANDEZ