IMPRESIBO SI MAGNO

Irish Magno

NADOMINAHAN ni Filipino boxer Irish Magno ang kanyang Kenyan foe na si Christine Ongare upang umabante sa Round-of-16 ng Tokyo Olympics women’s flyweight competition, Linggo sa Kokugikan Arena.

Ibinigay ng lahat ng limang judges ang lahat ng rounds sa Filipina flyweight (30-27, 30-27, 30-27, 30-27), kabilang ang 30-26 score mula kay Algerian judge Sidali Mokretari.

Sa kabila ng impresibong panalo ay ayaw umasa ng sobra ni Magno.

“Huwag muna tayo mag-aim high, step by step muna tayo,” sabi ni Magno.

Susunod na makakasagupa ng 25-anyos na si Magno si Jutamas Jitpong sa Huwebes, alas-12:24 ng tanghali (oras sa Pilipinas).

Ang Thai ay nagtala rin ng impresibong panalo kontra  Roumaysa Boualam ng Algeria.

Nasundan ni Magno ang panalo ni Nesthy Petecio laban kay Marcelat Sakobi Matshu ng Democratic Republic of Congo sa women’s featherweight division noong Sabado.

Umabante si Petecio sa Round of 16,  kung saan makakalaban niya si top seed Lin Yu-Ting ng Chinese Taipei sa Lunes, July 26, alas-12:39 ng hapon (oras sa Pilipinas).

Sa parehong araw sa alas-11:03 ng umaga ay sasalang din si flyweight no. 25 Carlo Paalam kontra 25-year-old Irishman Brendan Irvine, ranked no. 32. CLYDE MARIANO

One thought on “IMPRESIBO SI MAGNO”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *