SA patuloy na monitoring ng Bantay Dagat, Menro, MDRRMO at Coast Guard ay wala pa sa territorial waters ng Rosario ang oil spill gayunpaman naghanda na rin ang lokal na pamahalaan ng Rosario, Cavite katuwang ang mga mangingisda na gumawa ng improvised oil spill boom para sa oil spill.
Matatandaang nitong Hulyo 25, 2024 ay lumubog ang MT Terra Nova na may kargang 1.4 million liters ng industrial fuel oil na nagresulta ng oil spill sa Limay, Bataan.
Malaki ang maitutulong ng improvised oil spill boom upang mapigilan ang pagkalat nito sa karagatan.
Mahigpit na pinag-iingat ang lahat at inaabisuhang sumunod sa NO-CATCH ZONE na ipinatutupad sa mga baybayin na sakop ng Cavite.
SID SAMANIEGO