INA FELEO GUSTONG SUNDAN ANG YAPAK NG INA

INA FELEO

HINDI ikinaila ng award-winning actress na si Ina Feleo na gusto niyang sundan ang yapak ng kanyang the pointina: ang maga­ling at premyadong actress-director na si Laurice Guillen.

Katunayan, nakapagdirek na rin siya ng short film bilang preparasyon kung sakali mang ipu-pursue niya ang kanyang pangarap na maging full-fledged na director.

“Si Mommy kasi, sobrang talino niya. Ang sabi ko nga sa kanya, mag-a-apply ako na maging second unit director niya sa mga teleserye niya. Actually, nag-oobserba rin ako sa kanya sa set, lalo na’t magkasama kami sa “Gulong ng Palad,” pambungad niya.

Pagkatapos mapansin at manalo ng awards sa “Sanglaan” at “Endo” at mapansin sa “Maskara”, balik sa pagbibida si Ina sa “Alimuom” na opisyal na kalahok sa 3rd Tofarm Film Festival.

“First time ko kasing mag-scifi. Kakaiba siya sa akin. Ito yata ‘yung ToFarm movie na halos walang makikitang greens. For me, style-wise ibang experience din working with my director, kasi iba iyong  imagination niya at kaila­ngan ko talagang sakyan,” sey ni Ina.

Ayon pa kay Ina, uni­que rin daw ang konsepto ng “Alimuom”.

“Tungkol siya sa panahong hindi na puwedeng magtanim sa planeta natin dahil sobrang toxic na. Ang mga ‘OFW’ ay iyong Pinoy na nagtatrabaho na sa ibang planeta. Tungkol din siya sa paglaban sa malalakas na puwersa na maraming ipinagkakait na impormasyon sa atin,” pagbabahagi niya. “Tapos iyong role ko ay isang scientist. Professor ako sa isang university. Pamilya kami ng  scientists. Kumbaga, isa kami sa nagsakripisyo nang husto dahil sa kundisyon ng environment at that point  and at the same time, iyong gobyerno rin kasi, iyong  situwasyon namin na in-impose on everyone, na parang ina-outmode na iyong farming. That whole problem of OFW. Kumbaga, iyong family ng OFW, it’s just like saying goodbye kasi hindi mo alam kung magkikita pa uli, parang ganoon,” dugtong niya.

Naniniwala rin si Ina na kahit sci-fi, relatable raw naman ito.

“May pagka-high concept siya, pero ang challenge naman for me is to make it personal, to make the character real. Iyong relationship ko sa tatay ko at sa kapatid ko, iyong relationship is imbued with  humanity. Ang scifi naman, it plays with the concept at may pagka-cerebral din,” paliwanag niya.

Hirit pa niya, posible rin daw mangyari sa tunay na buhay ang mga isyung tinatalakay sa pelikula.

Posible siyang mang­yari. Hindi ba nakikita na natin iyong mga plastic waste, iyong nangyayari sa mga isda  natin sa karagatan, iyong pagkasira ng kalikasan natin,” ani Ina. “Iyong na-outmode na iyong farming kung saan iyong pamilya, nag-o-out of space o nag­hahanap ng trabaho out of space. I guess, makare-relate sila dahil kasi ngayon pa lang, may mga farm na tayo na nawawalan ng business,” esplika niya.

Tungkol naman sa pagkawala ng kanyang amang si Johnny Delgado, nine years ago, naka-move on na raw ang kanyang pamilya.

Siyempre, na-survive namin siya because of our faith.  Nami-miss pa rin namin siya especially na puro kami mga babae. Madalas lumalabas kami ng mom at ng sister ko para mag-bonding. Nakatulong din siguro na Marian devotees kami,” esplika niya. “Iyong pain naman hindi nawawala kapag may nag-pass on sa mahal mo, nananatili iyon, kailangan mo lang i-accept na lahat naman tayo, like it or not, doon papunta,” pagwawakas niya.

Kabituin ni Ina sa “Ali­muom” sina Epy Quizon, Mon Confiado, Dido Dela Paz, Elora Espano, at Kiko Matos.

Ito ay sinulat at idinirehe ni Keith Sicat (Woman of the Ruins, The Guerilla is a Poet, Ka Oryang).

For your comments/reactions write to  [email protected].

Comments are closed.