CATANDUANES – HATI ang emosyon ng isang tricycle driver kung suwerte o malas ang kanyang sinapit nang isang ginang ang nanganak sa nakaparada niyang sasakyan sa Brgy. Bagong Sirang, San Andres.
Ayon kay S/Insp. Roderick Bino, hepe ng San Andres PNP, nabatid na nakakabit pa ang umbilical cord ng sanggol nang makuha ito ng mga awtoridad.
Sinabi naman ng ina ng bata na si Shaira Mae Araojo, 22-anyos, at caretaker ng Day Care Center, nakaramdam siya ng pananakit ng tiyan kinagabihan kaya nagpatulong ito sa driver na si Jessie Joven upang magtungo sa ospital.
Gayunman, napasarap ng tulog si Joven at hindi ito nakarating kaya naghintay na lamang si Araojo sa tricycle na inabutan ng panganganak.
Iniwan ni Araojo ang sanggol upang humingi ng tulong subalit dinugo na ito kaya nakuhang halos nag-aagaw buhay na sa day care center.
Sa kabilang dako, narinig ng may-ari ng tricycle ang tumatahol na aso, rason upang lumabas ito at makita ang sanggol na agad namang dinala sa ospital kasama ang ina.
Pinangalanan naman ang naturang sanggol na “Baby Usman “. AIMEE ANOC
Comments are closed.