INA NI BRAVANTE UMUWI NG BANSA

NAKAUWI na sa bansa si Mommy Cherryl ang ina ng napatay na criminology student nang sumailalim ng hazing sa isang fraternity nitong nakaraang Linggo sa isang abandonadong bahay sa Quezon City.

Sakay si Mommy Cherryl sa Gulf Air flight mula sa Oman at lumapag ito pasado alas-11 kahapon ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Sa isang ambush interview, dismayado si Mommy Cherryl sa sinapit ng kanyang anak sa kamay ng mga opisyal at miyembro ng fraternity at kinakailangan managot sa batas ang may kasalanan.

Aniya, masakit sa kanya kalooban, dahil kababalik lang nito sa trabaho ng ilang buwan matapos mamamatay ang kanyang isa pang anak at ito pa ang nangyari sa isa pa rin niyang anak.

Sinabi pa nito, huli nitong nakausap si Alhdrin noong nakaraang Lunes at wala naman daw binabanggit na sumali siya sa fraternity at hindi niya inaasahan na ito na pala ang huli nilang pag-uusap .

Kaya’t panawagan ni Mommy Cherryl na manaig ang hustisya at pagdusahan ng mga salarin o mga miyembro ng fraternity na itinuturong dahilan sa pagkamatay ng kanyang anak.

Sinalubong ito ng mga kinatawan ng Overseas Welfare and Workers Administration (OWWA) at nakahanda tumulong sa pamilya Bravante.
FROILAN MORALLOS