INA TIMBOG SA  PAGBEBENTA NG MALASWANG LITRATO NG ANAK

Arestado

BULACAN-ARESTADO ang isang ina matapos mabistong kinukunan ng malalaswang litrato at ibinebenta ang sariling anak sa mga foreigner sa pamamagitan ng social media sa Barangay Sta.Cruz 2,San Jose del Monte(SJDM) lalawigang ito kamakalawa.

Base sa report ni P/Lt.Col.Crizalde M.Conde, SJDM City police Chief kay P/Col.Lawrence Cajipe,Bulacan police director,nakilala ang suspek na si Marilyn Pedrosa, 42-anyos at residente ng Barangay Sta.Cruz 2 ng nasabing lungsod na nahaharap ngayon sa kasong kriminal matapos i-exploit ang  13-anyos nitong anak na babae na itinago sa pangalang Neneng, residente din sa lugar.

Nabatid na bandang alas-11 ng tanghali noong Biyernes nang magpaalam ang biktima sa suspek na lalabas lamang subalit  biglang ikinagalit ang ina sabay  haltak nito ang damit ng anak na halos nahubaran na sinaktan pa kaya nagtamo ito sugat sa leeg.

Isang concerned citizen ang humingi ng tulong sa tanggapan ni P/Lt.Col.Conde para mai-rescue ang biktima sa pananakit ng ina at dito na nabisto ng mga awtoridad na kinukuhanan ng malalaswang video at larawan ng suspek ang dalagita at ibinebenta sa mga foreigner kapalit ng malaking halaga.

Nakapiit na ngayon ang suspek at nahaharap sa kasong kriminal habang nasa pangangalaga ngayon ng City office ng DSWD ang na-rescue na dalagita. MARIVIC RAGUDOS

Comments are closed.