ILOCOS SUR – HINATAW sa ulo ng isang anak ang sariling ina makaraang pangaralan at magtalo sa Sitio Banga-an, Barangay Dinwede West, Cervantes sa lalawigang ito.
Kinilala ni Capt. Alden Isang, Cervantes chief of police, ang biktima na si Adelina B. Bayawa, biyuda, residente sa nabanggit na lugar.
Napag-alaman na bago naganap ang insidente ay pinagsabihan ng biktima ang suspek na si Rackson B. Bayawa, 24-anyos matapos nitong putulin ang tanim na kape sa likod ng kanilang tahanan bandang alas-4 ng hapon.
Nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang sa pagitan ng mag-ina at kumuha ang suspek ng kahoy saka hinambalos ang ina sa ulo na siyang naging dahilan kung saan agad na binawian ng buhay ang biktima.
Bandang alas 5 ng hapon natagpuan ng kapatid ng suspek ang kanilang ina na nakahandusay sa sahig at duguan.
Iniulat ang insidente sa mga pulis at kusang loob namang sumuko ang suspek at itinurn-over ang murder weapon.
Nahaharap si Rackson sa parricide case sa korte.
EVELYN GARCIA